Home IN PHOTOS IN PHOTOS: P6.8M shabu nakumpiska sa Cebu

IN PHOTOS: P6.8M shabu nakumpiska sa Cebu

Isang 30-anyos na residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City ang naaresto ng mga operatiba ng PDEA 7 Regional Special Enforcement Team (RSET), kasama ang PNP Drug Enforcement Group / Special Operations Unit 7, Lapu-Lapu City Police Office Station 3, Lapu-Lapu City Police Office - City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit, at PNP Regional Police Drug Enforcement Unit, sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Camansi, Barangay Pajo, Lapu-Lapu City, dakong alas-4:24 ng hapon noong Mayo 3, 2025.Nakumpiska sa operasyon ang isang (1) vacuum-sealed na plastic pack na naglalaman ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 1,000 gramo at may tinatayang halaga na P6,800,000, buy-bust money, isang (1) cellphone, at iba pang non-drug evidence. DANNY QUERUBIN