MANILA, Philippines – Nakuha ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pinakamataas na satisfaction rating sa hanay ng mga senador sa 19th Congress, batay sa nationwide survey na isinagawa ng research firm na Tangere noong Mayo 2 hanggang 3.
Naitala ni Go ang +60.8 percent net satisfaction score—ang pinakamataas sa lahat ng nanunungkulan senador—habang siya rin ang nagtala ng pinakamababang dissatisfaction rating.







