Manila, Philippines- Mas bet ba ni Mrs. Amy Forteza si David Licauco para sa anak na si Barbie kesa kay Jak Roberto?
Hindi ba dapat ay mas matimbang sa celebrity mom ang pitong taong relasyong itinagal ng JakBie kesa sa BarDa na loveteam lang naman?
Pero bago n’yo pa husgahan nang bonggang-bongga si Ginang Forteza ay nagpasintabi na siya.
Lumikha kasi ng ingay ang ipinost niyang clip ng K series na When The Phone Rings.
Bale ba, sinamahan ni Mommy Amy ito ng larawan nina Barbie at David.
Nilakipan pa niya ito ng caption na: “Walang kokontra…nag-iilusyon lang!”
Ke ilusyon o totohanan, the fact remains that even Mommy Amy is rooting for one of GMA’s hottest screen partnerships.
Alam ng lahat na ang ginawang pagtatambal kina Barbie at David sa natapos nang Pulang Araw ay dala ng tagumpay ng mga ito when they did Maria Clara at Ibarra.
At dahil nga nag-ilusyon si Mommy Amy na sana’y magsama uli ang BarDa sa Pinoy adaptation ng WTPR, isn’t she sending a strong signal to GMA na gawin ito?
And why not?
Let Mommy Amy fulfill her “illusion,” baka nga naman tiba-tiba ang GMA sa project na ‘yon if ever.
‘Yun nga lang, obyus that there’s more to Mommy Amy’s illusion.
Nangangahulugan lang na hindi niya bet na magsama kahit man lang sa isang project ang JakBie.
May kinalaman nga ba ang umano’y “pangangaliwa” ni Jak, at dalawang babae pa ang sinasabing sangkot sa isyu?
Bakit kasi idinaan pa ni Mommy Amy sa cryptic post ang tungkol naman pala sa umano’y pinagdaanan ni Barbie kay Jak?