MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap at maulang panahon ang shear line sa Southern Luzon at Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, ang Eastern Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Easterlies naman ang iiral sa Davao Region at SOCCSKSARGEN sa maulap na kalangitan, scattered rains at isolated thunderstorms.
Habang ang Northeast Monsoon o Amihan ay magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC