Home ENTERTAINMENT Ina ni Eman, rumesbak sa mga bashers!

Ina ni Eman, rumesbak sa mga bashers!

1
0

Manila, Philippines – A mother will always take a bullet for her child.

Olats si Eman sa huling boxing match para sa Philippine Boxing Federation lightweight title.

Dahil doon, bina-bash si Eman na napabagsak ng kalaban nang tatlong beses.

Kesyo wala daw itong focus dahil sa kanyang showbiz entry.

Dito na sumabog ang ina ni Eman: “Gamitin n’yo lang content si Eman para mabusog kayo, mga bashers o users. Goooo, maghanapbuhay lang kayo!

“Sana makatulog kayo sa nga panggagamit n’yo para lang kumita!

“Keep sharing! I’m glad you’re entertained. Hate, laugh or judge, my son is still blessed!”

Bukod dito’y hindi rin pinalampas ni Joanna ang naging asal ng referee sa Round 2 ng laban.

Walang kagatul-gatol na sabi ng ina: “Dahil sa Round 2, hinayaan ng referee kahit foul. “Nabalewala kay ref, suntukin nang suntukin ang likod ng ulo ni Eman. Wala man lang minus!

“Kung suntukin nang maraming beses sa likod ng ulo, ano kaya mangyayari?”

May mensahe naman si Joanna para sa anak: “God’s plan is the best time… you are still the winner sa puso ko at sa puso ng pamilya natin, pati na sa mga taong naniniwala sa iyo. Ikaw ang panalo sa amin.

“You fought a good fight!! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here