Home ENTERTAINMENT Ina ni Yen, nagsalita na, di magjowa si Paolo at anak!

Ina ni Yen, nagsalita na, di magjowa si Paolo at anak!

Manila, Philippines- Medyo naguluhan si Jobert Sucaldito nang makausap ang ina ni Yen Santos na si Lilian.

“Nanay” ang tawag ni Lilian kay Jobert ever since.

Kuwento ni Jobert sa kanilang online show ni direk Chaps, his friendship with Lilian spans 10 years.

And that makes her daughter Yen his anak-anakan.

Hindi kasama ni Lilian si Yen sa bahay as she’s based in Cabanatuan City, Nueva Ecija attending to their business.

May mga paupa kasi silang commercial building doon.

Sa pagkakaalam ni Lilian, sa tiyahin ni Yen sa Maynila tumutuloy ang anak.

But this isn’t the catch.

Of late ay nabalitang binura na ni Yen ang mga photos nila ni Paolo Contis sa Instagram.

In-unfollow pa niya ang aktor.

This sparked speculations na split na raw ang dalawa.

But as far as Yen’s mom is concerned: “Never naging sila!”

Dito na nga na-confuse si Jobert, kaya ipinauubaya na lang niya sa kanilang mga tagasubaybay what they think about Yen and Paolo.

May kasabihan ngang: “Mother knows best.”

Hindi kaya totoong hindi naman talaga naging magkarelasyon sina Yen at Paolo?

Hay, kayo na ang humusga! Ronnie Carrasco IiI