CAVITE, Philippines – Isang 44-anyos na babae ang binaril hanggang sa mamatay habang sakay ng e-bike kasama ang kanyang menor de edad na anak sa Imus City noong Linggo, Enero 4.
Ayon sa Police Regional Office 4A, pauwi na ang biktima at ang anak nang lapitan sila ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at binaril ang babae ng dalawang beses.
Tumama ang bala sa ulo ng biktima na nagdulot ng kanyang agarang pagkamatay.
Tumakas ang mga suspek mula sa pinangyarihan ng krimen.
Kasalukuyang tinitingnan ng awtoridad ang asawa ng live-in partner ng biktima bilang isang person of interest, na umano’y may motibo ng galit.
Ang Imus Component City Police Station (Imus CCPS) ay nire-review ang CCTV footage sa lugar at nag-request ng dragnet operation upang mahuli ang mga suspek. RNT/MND