Home NATIONWIDE Incorporator sa Pampanga POGO hub pumalag, pangalan ginamit nang walang paalam

Incorporator sa Pampanga POGO hub pumalag, pangalan ginamit nang walang paalam

MANILA, Philippines – Nagsalita na ang isa sa mga incorporator ng ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga na ang pangalan niya ay ginamit nang walang paalam.

Sinabi ng incorporator na ginamit ng kanyang dating Chinese employer ang pangalan nito at ang pamilya niya para irehistro ang negosyong Lucky South 99, ang korporasyon na nagpapatakbo ng illegal POGO hub.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ng biktima na inisahan siya ng dating employer at siya ay maituturing din na biktima.

Aniya, pinangakuan siya na magkakaroon ng sahod ang lahat ng incorporator kabilang ang kapatid nito.

Samantala, sinabi ng incorporator na handa siyang humarap sa imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan. RNT/JGC