Home NATIONWIDE Barko sa silangan ng Yemen nasunog matapos tamaan ng ‘unknown projectiles’ –...

Barko sa silangan ng Yemen nasunog matapos tamaan ng ‘unknown projectiles’ – UKMTO

YEMEN – Sumiklab ang sunog sa isang merchant vessel na nasa 98 nautical miles silangan ng Aden, Yemen matapos umanong tamaan ng hindi pa tukoy na projectiles, iniulat ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) agency nitong Huwebes, Hunyo 13.

Sa hiwalay na ulat, nag-isyu ng distress call ang British maritime security firm na Ambrey na nag-uulat ng impact ng naturang missile na nasa 129 nautical miles ang layo sa silangan ng Aden.

Patungo sana ng Venice, Italy ang barko mula Malaysia.

Anang Ambrey, ang naturang barko ay pasok sa “the Houthi target profile.”

Wala pang tugon ang 5th fleet ng US Navy patungkol dito.

Matatandaan na target ng Iran-allied Houthis ang iba’t ibang mga barko sa Red Sea bilang suporta sa mga Palestinian sa nagpapatuloy na giyera ng Israel at Hamas. RNT/JGC