Home NATIONWIDE NBI, PCG lumagda ng MOA sa pagpapalakas ng ugnayan sa maritime safety

NBI, PCG lumagda ng MOA sa pagpapalakas ng ugnayan sa maritime safety

MANILA, Philippines – Lumagda ng kasunduan ang dalawang ahensya ng gobyerno upang lalo pang palakasin ang ugnayan sa pagpapatupad ng kaligtasan sa karagatan.

Pinangunahan nina National Bureau of Investigation (NBI) director Atty. Medardo De Lemos at Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang paglagda sa memorandum of agreement sa NBI headquarters sa Quezon City nitong Huwebes, Hunyo 13.

Ayon sa dalawang ahensya, ang MOA ay nilalayong pagbutihin ang pagtutulungan sa maritime safety at higit na palakasin ang pakikipagtulungan ng dalawang ahensya.

“Its in general term—one is cooperation and coordination in all aspects of our work –investigation and also training, hindi namin alam ang mga areas of expertise and specialization ng coast guard,” ani De Lemos.

Ayon pa kay De Lemos, sa pamamagitan ng PCG ay matututo sila at kung may mga assets at may iniimbestigahan ay magpapatulong sila sa coast guard.

Gayundin ang PCG kung hihingi ng tulong para sanayin ang mga coast guardians tulad ng pagbibigay ng basic investigation course na ibibigay ng NBI ay kanila rin silang tutulungan.

Sa panig naman ng PCG, sinabi ni Gavan na malaki ang pakinabang sa kanila dahil sa ngayon aniya ang kanilang layunin ay gawin ang bawat law enforcement activity na ang state nito ay dapat “convictioned.”

“Base sa partnership will capasitate our personnel on how to conduct investigation , matuto din sa mga doctrines on the way how NBI does –we will be doing operations with them,” pahayag naman ng komandante ng PCG.

At ang pinakamalahaga ayon kay Gavan ay magagawa ito ng dalawang ahensya, ang pagkakataon na magsagawa ng operasyon sa ating maritime at archipelagic countries.

Ayon kay Gavan, dapat hindi magiging balakid sa law enforcement agencies mula sa imbestigasyon hanggang sa conviction ang geograpiya kaya sama-sama ang dalawang ahensya.

Dagdag pa ni Gavan, kung ano ang kahinaan ng kanilang hanay ay mapupunan ito ng NBI dahil sila ang may ororidad na magsagawa ng imbestigasyon, habang sila naman ay maipapahiram ang kanilang kakayahan.

“For this partnership, the country, I think we can be better assured that that rules will prevail everywhere by land and at sea,” dagdag pa ni Gavan. Jocelyn Tabangcura-Domenden