Home NATIONWIDE Operasyon ng POGO malapit sa EDCA sites kinumpirma ng PAOCC

Operasyon ng POGO malapit sa EDCA sites kinumpirma ng PAOCC

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Huwebes, Hunyo 13, na ilang Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo) ang nag-ooperate malapit sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites.

Nauna nang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagkabahala sa mga POGO sites na malapit sa mga base-militar, at sinabing dapat ay ihinto na ang operasyon ng mga ito sa mga illegal na aktibidad.

“We have already investigated some online gaming platforms, online gaming sites that are near military sites. In fact, a good number of them are located near Edca sites,” pagbabahagi ni PAOCC spokesperson John Casio sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing.

“We have shared our concerns with the proper authorities,” dagdag ni Casio.

Umaasa naman si Casio na makikipagtulungan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) at iba pang regulatory agencies sa Department of National Defense kaugnay sa usaping ito.

“So that once and for all, we are able to ensure that not a single scam farm, or not a single licenses Pogo for that matter, would be located near our Edca sites,” sinabi ni Casio. RNT/JGC