Home NATIONWIDE India-Pakistan tension lumalala; mga Pinoy binalaan

India-Pakistan tension lumalala; mga Pinoy binalaan

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Pakistan ang mga Pilipinong nasa malapit sa Line of Control (LoC) sa Azad Kashmir at Sialkot na mag-ingat ng husto dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng India at Pakistan matapos ang isang nakamamatay na pag-atake sa Indian-administered Kashmir.

Nagdeklara ng Red Alert ang mga awtoridad ng Pakistan sa mga apektadong lugar.

Pinayuhan ang mga Pilipino na iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe, makipag-ugnayan sa kanilang mga employer, at maghanda sa posibleng ebalwasyon.

Ang LoC ay ang alitang hangganan ng mga pwersa ng India at Pakistan sa Kashmir.

Inakusahan ng India ang Pakistan ng pagsuporta sa mga armadong salarin na pumatay ng 26 turista, na nagdulot ng takot sa posibleng pagsabog ng giyera. RNT