Home NATIONWIDE Suspension order ng LTFRB kinuwestyon ng Move It

Suspension order ng LTFRB kinuwestyon ng Move It

0
Suspension order ng LTFRB kinuwestyon ng Move It

Binatikos ng app na Move It ang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbawas ng 7,826 na yunit ng motorsiklo at pagpapatigil operasyon sa Cebu at Cagayan De Oro City, na magdudulot ng pagkawala ng trabaho para sa libu-libong riders.

Kinuwestyon ni General Manager Wayne Jacinto ang timing ng kautusan, na binigyang-diin ang hirap sa pampublikong transportasyon at ang epekto nito sa kabuhayan ng mga manggagawa.

“Alam natin kung gaano kahirap sumakay ng transportasyon na pampubliko; Ngayon pa natin itataon na magtatanggal tayo ng riders?” ani Jacinto.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, hindi pa pinal ang kautusan at hinihintay pa ang motion for reconsideration.

Ang Move It, na may 14,662 riders, ay inatasang magsumite ng verified master list sa loob ng 30 araw at ipatupad ang isang taon na moratoriumo sa pagtanggap ng bagong riders.

Ang hindi pagsunod ay maaaring magresulta sa suspensyon ng kanilang operasyon.

Nag-aalala ang mga riders tungkol sa kanilang mga trabaho, at balak ng Move It na magsumite ng motion for reconsideration. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here