Home NATIONWIDE Kelot tinarakan sa ulo ng lalaking pinatuloy sa bahayNATIONWIDETOP STORIES Kelot tinarakan sa ulo ng lalaking pinatuloy sa bahayMay 1, 2025 10:06 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Tinarakan ng patalim sa ulo ang isang lalaki ng suspek na kanyang pinatuloy sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.Sa kuha ng CCTV footage, nakitang nakaupo sa harap ng bahay ang biktima at kanyang kapatid nang dumating ang suspek.Bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima at itinarak sa ulo ang kutsilyo.Wala namang nagawa ang kapatid ng biktima dahil sa takot kaya napatakbo ito palayo.Bago sumakay sa motorsiklo patakas, siniguro pa ng suspek kung patay na ang biktima.Ang biktima at suspek ay magkasama umano sa pagdidikit ng campaign materials ng kandidato.Pinaghahanap naman ang suspek na tumakas matapos ang insidente.Samantala, naaresto rin ang kapatid ng biktima nang tangkang manaksak ng isang Kagawad ng Barangay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)