Home NATIONWIDE Indian FM bibisita sa Pilipinas; defense at maritime cooperation tatalakayin

Indian FM bibisita sa Pilipinas; defense at maritime cooperation tatalakayin

MANILA, Philippines – – Bibisita si India Foreign Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar sa Pilipinas sa susunod na linggo upang pag-usapan ang pakikipagtulungan sa bansa sa turismo at kalakalan, kabilang ang defense at maritime cooperation.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Marso 23 na magtutungo sa bansa sa ikalawang pagbisita ang top diplomat ng India, mula Marso 25 hanggang 27.

“In addition to advancing trade and tourism between two of Asia’s fastest growing economies, the foreign minister’s meeting with Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo will focus on defense and maritime cooperation, food security, development, healthcare and financial technology cooperation,” ayon sa DFA.

Pagdating sa defense, matatandaang nag-alok ng pautang ang India para sa modernisasyon ng military ng bansa.

Noong nakaraang buwan, nagdala naman ng business delegation ang pamahalaan ng India sa Manila upang ipakita ang homegrown military technologies at equipment nito para sa posibilidad ng defense industry tie-ups sa bansa.

Maliban dito, ang New Delhi at Manila ay matalik na magkaugnay sa development at capacity building.

sa pamamagitan ng Indian Technical and Economic Cooperation, mahigit 1,100 Filipino public servants ang sinanay sa iba’t ibang development programs sa India.

Ang India ang ika-15 trading partner ng Pilipinas at ika-13 sa export market, kung saan ang total bilateral trade ay lumampas ng USD3 billion noong 2023. RNT/JGC

Previous articlePabasa nagsimula na!
Next articleMagkapatid tiklo sa marijuana