Home METRO Magkapatid tiklo sa marijuana

Magkapatid tiklo sa marijuana

AGUILAR, Pangasinan –ARESTADO ang magkapatid matapos makuhanan ng mahigit sa P1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation nitong Biyernes, Marso 22 sa bayang ito.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pangasinan, kinilala lamang ang isa suspek sa pangalan Vernie habang ang kapatid nito ay isang menor de edad, at kapwa galing ng Benguet.

Nakuha sa mga suspek ang 12 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa halagang P1.4 milyon sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion ng naturang bayan.

Inihanda na ang kasong isasampa laban kay Vernie habang ang kapatid nitong menor de edad ay ituturn-over sa tanggapan ng Department of Social and Welfare Department (DSWD) para sa tamang disposisyon.

Inaalam na ng mga awtoridad ang mga posibleng kasabwat ng mga suspek sa kanilang iligal na aktibidades. Mary Anne Sapico

Previous articleIndian FM bibisita sa Pilipinas; defense at maritime cooperation tatalakayin
Next articleDOT, BI nagbabala sa tourist scams ngayong Semana Santa