Home NATIONWIDE DOT, BI nagbabala sa tourist scams ngayong Semana Santa

DOT, BI nagbabala sa tourist scams ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Tourism ang publiko na kumuha lamang ng serbisyo sa accredited tourist agencies ngayong papalapit ang Semana Santa.

Sa pahayag nitong Sabado, Marso 23, ipinaliwanag ng DOT na sinisiguro ng accredited services ang dekalidad na operasyon na angkop sa minimum standards ng kagawaran.

Nagbabala rin ang mga ito na maging maingat sa unverified information sa social media “to avoid falling victim to scams targeting tourists, such as fake accommodation, travel tickets, vacation deals, among others.”

Samantala, nagbabala rin ang Bureau of Immigration laban sa mga scammer na naniningil ng hanggang P5,000 sa umano’y eTravel registration fees at iba pang uri ng pang-iscam ngayong Semana Santa.

“We advise the traveling public to be cautious and register exclusively on the official government website, or through the eGovPH application. The eTravel registration process is absolutely free of charge,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Hinimok din niya ang publiko na isumbong ang mga fraudulent website o entities na naniningil para sa nasabing serbisyo sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) hotline 1326.

Ang eTravel kiosks ay available sa mga paliparan sa bansa. RNT/JGC