Home NATIONWIDE Comelec nakakuha ng 1.52M new voter applications

Comelec nakakuha ng 1.52M new voter applications

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nakatanggap na ito ng 1.52 million applications for registration hanggang nitong Biyernes, Marso 22, mahigit sa kalahati ng target nilang tatlong milyong bagong botante para sa 2025 mid-term polls.

Sa mensahe, sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia na hanggang nitong Biyernes, mayroon nang 1,527,939 registration applications ang naiproseso sa buong bansa sa mga Comelec office, satellite registration centers at “Register Anywhere Program” (RAP) stations.

Ang top five na rehiyon na nakakuha ng pinakamaraming aplikante ay ang Calabarzon, sa 279,440; Metro Manila, 228,929; Central Luzon, 168,702; Central Visayas, 112,176; at Davao, 105,929.

Target ng Comelec ang tatlong milyong bagong botante sa susunod na halalan. Ang registration period ay nagsimula noong Pebrero 12 at magtatapos sa Setyembre 30, 2024. RNT/JGC

Previous articleDOT, BI nagbabala sa tourist scams ngayong Semana Santa
Next articleHeart, nabudol sa labi!