Home NATIONWIDE Mga ina tinawag na ‘unsung heroes’ ni VP Sara

Mga ina tinawag na ‘unsung heroes’ ni VP Sara

102
0

MANILA, Philippines- Tinawag silang “unsung heroes,” kinilala ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo ang papel ng mga ina sa nation building at kanilang mga sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sa kanyang mensahe ngayong Mother’s Day, binigyang-pugay ng opisyal ang mga ina na pasan ang bigat ng kapakanan ng kanilang pamilya.

“Sa lahat ng inang nagsusumikap mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya—sa loob man o sa labas ng bansa, sa sariling tahanan man o sa kani-kaniyang propesyon—hindi po masusukat ang inyong napakahalagang papel sa pagbuo ng matatag na sambayanang aakay sa atin patungo sa mas maunlad na kinabukasan,” wika ni Duterte.

Pinasalamatan ng Bise Presidente ang mga ina para sa kanilang “selfless sacrifices” araw-araw sa pangangalaga nila sa kanilang pamilya, at sinabing ang kanilang “love and guidance pave the way for brighter futures and stronger communities.”

“To all the mothers out there, thank you for your love, wisdom and dedication. You inspire us to make a difference every single day,” giit ni Duterte. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here