MANILA, Philippines – Naipa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) noong Pebrero 1 ang Indian crime boss na wanted sa India sa kabi-kabilang pagpatay, extortion at arms trafficking.
Ayon sa BI nitong Sabado, Pebrero 8, ang Indian national na si Joginder Gyong ay naipa-deport na matapos itong maaresto noong Hulyo 2024 sa Bacolod City kung saan siya naninirahan sa ilalim ng isang pekeng pangalan.
Si Gyong ay subject ng Interpol red notice at may arrest warrant na inisyu ng korte sa India.
Ani Immigration Commissioner Anthony Viado, si Gyong ay nahaharap sa 26 criminal cases sa iba’t ibang panig ng India.
Kabilang sa mga kaso niya ay ang murder, attempted murder, extortion at kidnapping for ransom.
Inakusahan din siya ng pagbili ng illegal na armas, pag-oorganisa ng contract killings, at pangunguna sa extensive extortion network target ang mga negosyante at professional. RNT/JGC