MANILA, Philippines – Nagsimula nang makipagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa nasa 10 bansa para palawakin ang job opportunities at magbigay pa ng dagdag na proteksyon sa overseas Filipino workers (OFW).
Kasabay ng Global Labor Market Conference sa Riyadh, Saudi Arabia, nitong Biyernes, Pebrero 7, nakipagkita si DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan sa mga representative mula Saudi Arabia, Finland, the Bahamas, Oman, Jordan, Egypt, Indonesia, Tajikistan, Kyrgyzstan at Libya para sa posibilidad ng deployment.
“They all expressed their interest in our Filipino skilled workers,” ani Caunan.
Aniya, interesado ang mga ito na kumuha ng mga manggagawang Filipino sa healthcare industry, hospitality at construction sector. RNT/JGC