Home METRO Indian nat’l binaril sa harap ng bahay, patay

Indian nat’l binaril sa harap ng bahay, patay

58
0

ISABELA, Philippines – Halos naliligo na ng sariling dugo ang isang indian national o bumbay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman na sanhi ng kanyang agarang kamatayan sa harap ng bahay sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay sakay ng kaniyang pick-up at aktong nagmamaneobra na lamang para makapasok sa kanilang gate.

Nang biglang pagsulpot ng isang lalaki na nakasuot ng bonnet na siyang namaril sa biktima.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan kung sino ang nasa likod ng pamamaril at motibo sa biktima. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here