MANILA, Philippines- Makatatanggap na ang mahihirap na senior citizens ng kanilang pensyon monthly, bi-monthly, at quarterly.
Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang nakalipas na iskedyul para sa distribusyon ng pensyon ay semestral, o kada anim na buwan.
“Secretary Rex Gatchalian instructed all the DSWD Field Offices (FOs), through the regional directors, to follow the new schedule of social pension payouts,” ayon kay DSWD Spokesperson and Assistant Secretary Irene Dumlao.
Ang bagong payout schedule ay sa ilalim ng May 7 memorandum circular na ipinalabas ng regional directors na nagsasaad na “[i]f monthly releasing of stipend is not feasible, the allowed frequency of payment shall only include bi-monthly and quarterly [releases]. Semestral payment shall no longer be allowed effective July 1, 2024.”
“Secretary Gatchalian’s memorandum also directed the FOs to amend all existing memorandum of agreement (MOA) with local government units (LGUs) bearing semestral payment of social pensions,” ang dagdag na wika ni Dumlao.
Samantala, nakasaad naman sa direktiba na ang bagong ipinalabas na iskedyul ay maaaring maging exempted kung karamihan sa senior citizens sa geographically isolated at disadvantaged areas at munisipalidad o lugar ay idineklara na isailalim sa state of calamity o krisis gaya ng armed conflict at iba pang mga pangyayaring hindi maiiwasan.
Ang ganit ng mga kaso ay “subject to approval and validation.”
Buwan ng Hulyo, namahagi ang departamento ng P21.8 bilyon para sa first half ng 2024 sa mahigit sa 3.7 milyong benepisyaryo.
Ang eligible beneficiaries ay nakatanggap ng P6,000 semestral pension o P1,000 kada buwan.
Ang karagdagang social pension mula P500 na naging P1,000 ay nakamandato sa Republic Act No. 11916, o Act Increasing the Social Pension of Senior Citizens.
Samantala, kamakailan lamang ay naglaan ang Department of Budget and Management ng P49.8 bilyon para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens program sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program. Kris Jose