Home ENTERTAINMENT Chloe, lumelevel kay Francine!

Chloe, lumelevel kay Francine!

Manila, Philippines- Kapansin-pansin na glowing si Chloe San Jose kahit na may active bashers pa rin siya na halatang inggit lang naman sa magandang samahan nila ng nobyong si Carlos Yulo.

“Perfection is being authentic to yourself,” sagot niya when asked sa definition ng word na ito for her.

Isa sa invited influencers si Chloe ng isang skincare brand at kasabay niyang rumampa sa red carpet si Francine Diaz na official endorser nito.

After daw niya mag-shower, a few minutes lang daw ang tinatagal ng kanyang skincare routine.

Indirectly ay pinabulaanan niya ang lumalabas na news na magiging Vivamax artist na siya kasi nang tanungin siya ng reporter at uploader ng video na si Nickie Wang kung may balak siyang mag-artista, hindi ang tugon niya at, “I’ll keep creating content lang po.”

Kahit na mas sexy is Francine ay mas matangkad naman sa kanya si Chloe.

Kapansin-pansin na matapos mag-pose ang dalawa sa red carpet ay hindi sila nag-usap.

Samantala, nakwento ni Francine na ang pelikula niya kasama si Seth Fedelin ay wala pang date kung kailan ipapalabas.

Wala rin siyang ibang projects sa ABS-CBN. Trixie Dauz