Home HOME BANNER STORY Inflation ng Pinas umabot sa 1.7% noong 2025 – PSA

Inflation ng Pinas umabot sa 1.7% noong 2025 – PSA

254
0

MANILA, Philippines – Tinapos ng Pilipinas ang taong 2025 na may year-to-date average inflation na pasok sa target ng pamahalaan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang press conference, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang overall inflation ay umabot sa 1.8% noong Disyembre 2025, mas mataas kaysa sa 1.5% noong Nobyembre 2025.

Dahil dito, umabot sa 1.7% ang 12-month national average inflation para sa buong 2025, na nasa loob ng target na 2% hanggang 4%.

Mas mabagal ito kumpara sa average inflation noong 2024 na 3.2% at itinuturing na pinakamabagal mula pa noong 2016 na may 1.3% inflation.

“Despite global headwinds and domestic challenges, the Philippine economy has remained resilient against inflationary pressures due to the government’s timely and targeted interventions,” ani Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan

Dagdag pa niya, “Building on this momentum, the government will continue to pursue prudent fiscal and monetary coordination and advance structural reforms to sustain the downward inflation trend and support inclusive growth in 2026 and beyond.”

Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng mababang average inflation noong 2025 ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages na bumaba sa 1.2% mula 4.4% noong 2024.

Samantala, ang pagtaas ng inflation noong Disyembre ay iniuugnay sa epekto ng Bagyong Uwan na nakaapekto sa produksyon ng pagkain.

Umakyat ang food inflation sa 1.2% mula -0.3% noong Nobyembre, dahil sa pagtaas ng presyo ng gulay tulad ng sibuyas, talong, at kalabasa, gayundin ng isda dahil sa limitadong importasyon.

Bahagyang nabawasan naman ang epekto nito dahil sa mas mabagal na inflation sa karne, bunsod ng pagbaba ng kaso ng African swine fever, pati na rin sa manok dahil sa sobrang suplay. Nanatili ring may deflation ang bigas sa -12.3%.

Sinabi ni Balisacan na mananatiling matatag ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga patakarang magkokontrol sa presyo at panatilihin ang inflation sa target na 2% hanggang 4% mula 2026 hanggang 2028.

Bahagi nito ang P297.1 bilyong pondo para sa sektor ng agrikultura sa 2026 national budget at ang pagpapabilis ng mahigit 200 power generation projects upang matugunan ang pangangailangan sa kuryente.

“These policy initiatives form part of our broader thrust to attain food security, improve human capital, and enhance the quality and efficiency of public service delivery—priorities that enable inclusive, broad-based growth for all Filipinos,” dagdag ni Balisacan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here