Home NATIONWIDE Inihaing reklamo ng CIDG vs Padilla bubusisiin ng DOJ

Inihaing reklamo ng CIDG vs Padilla bubusisiin ng DOJ

38
0

MANILA, Philippines – Sasailalim sa pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) ang bagong inihain na reklamo ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senador Robin Padilla at sa kanyang mga co-respondent.

“As with any complaint filed before the department, the same will be evaluated in accordance with established procedures and applicable rules,” sabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez kasabay ng pagkumpirma na natanggap na ang reklamo bandang alas 4:50 ng hapon noong Huwebes, Mayo 28.

May kinalaman ang reklamo sa umano’y partisipasyon ni Padilla sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa noong madaling araw ng Mayo 14, isang araw matapos ang insidente ng pamamaril sa Senado.

Inamin ni Padilla na sumabay sa kanyang sasakyan si dela Rosa habang palabas siya ng bakuran ng Senado.

Giit niya, wala namang mali sa pakiusap dahil hindi naman pugante si dela Rosa sa kawalan ng locally issued arrest warrant.

Susuriin ng mga state prosecutor ang paunang dokumentasyon at ebidensyang isinumite ng CIDG para matukoy kung nararapat itong sumailalim sa buong criminal investigation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here