MANILA, Philippines – HINDI PABOR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang payagan ang remote voting ng mga senador kahit pa sa panahon ng nonemergencies.
Ang katuwiran ng Pangulo, tanging si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa lamang ang makikinabang sa nasabing panukala, lalo pa’t itinuturing na pugante na ang senador.
“I disagree with that,” ayon kay Pangulong Marcos nang hingan ng komento sa bagay na ito.
Aniya, ang arrangement ay katanggap-tanggap lamang noong panahon ng COVID-19 restrictions, kung saan ngayon ay wala siyang nakikitang dahilan para ipatupad ito.
Binigyang diin pa ng Pangulo na kung nais ni Dela Rosa na bumoto, dapat lamang na personal siyang magpakita.
Idagdag pa na mayroong long-standing rule sa Senado na kung ang isang senador ay hindi makadadalo, hindi siya maaaring bumoto. KRIS JOSE