MANILA, Philippines – Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng LPG tank sa isang bahay sa Tondo, Maynila, Huwebes ng hatinggabi.
Kinilala ng biktima ang suspek bilang ang parehong lalaking nagkabit ng kanilang CCTV at dati ring umaayos ng mga sirang gamit sa bahay.
Ayon sa barangay, residente nila ang suspek na dati nang inireklamo sa iba’t ibang kaso ng pagnanakaw, kabilang ang panunutok umano ng kutsilyo sa isang menor de edad, at kabilang sa kanilang drug watch list.
Maghahain ng pormal na reklamo ang biktima sa Manila Police District para sa agarang pagdakip sa suspek. RNT