Pinangunahan ng Villar Foundation ang paggunita sa patron ng Las Piñas City na si St. Ezekiel Moreno sa pamamagitan ng musika at pagkakaisa sa Inter-Parish Chorale Competition na ginanap noong Huwebes, Abril 30, sa San Ezekiel Oratory sa loob ng Villar Sipag Complex.
Ang taunang kaganapan ay pagpupugay sa pamana ni St. Ezekiel Moreno, na nagsilbing parish curate sa Las Piñas, at ipinapakita ang malalim na pananampalataya at debosyon ng mga Las Piñero. Dumalo sa programa sina Mark Villar at Camille Villar, kasama si Villar Foundation Managing Director at dating senador na si Cynthia Villar.
Ang mga nagwagi sa kompetisyon ay tumanggap ng mga papremyong salapi mula ₱10,000 hanggang ₱40,000.