
IPINAHAYAG ng Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund nitong ika-6 ng Hunyo 2025, na mananatili ang mababang interest rates para sa mga housing loan hanggang sa katapusan ng 2025. Bahagi ito ng kanilang patuloy na pagsisikap na gawing mas abot-kaya at madaling maabot ang pangarap na bahay para sa mga manggagawang Filipino.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jose Ramon Aliling na siya ring chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, pananatilihing mababa ang interes para sa kapakanan ng mga manggagawa.
“This forms part of DHSUD’s renewed direction to expand the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, in line with the vision of President Ferdinand R. Marcos Jr. to build a Bagong Pilipinas—where every Filipino has access to safe, affordable, and resilient communities. By keeping rates low, we make monthly amortizations more affordable, enabling more of our members — especially those who are minimum-wage earners and from low-income sectors—to finally move into homes they can truly afford.”
Sa ilalim ng kasalukuyang patakaran, maaaring makakuha ng housing loan na may interest rate na 5.75 porsyento kada taon para sa one-year re-pricing period, at 6.25 porsyento naman para sa three-year re-pricing. Samantala, may espesyal na programang iniaalok para sa mga mababang-kita na miyembro, ang Affordable Housing Program na kung saan puwedeng bumili ng socialized housing units na may interest rate na 3 porsyento kada taon.
Ayon kay Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta, posible ito dahil sa matatag na kalagayang pinansyal ng ahensya na epekto ng maingat na pamamahala ng pondo, mataas na koleksyon, at maayos na loan portfolio.
“Pag-IBIG Fund’s prudent fiscal management, strong collections and high- performing loan portfolio continue to keep us financially sound, enabling us to finance our members’ housing needs without external borrowing,” Acosta said.
“This allows us to maintain affordable rates and expand home financing access to more Filipino workers. As we fully support the government’s housing thrust under the Marcos administration, we remain focused on helping more of our members—especially those in underserved sectors—secure homes they can call their own.
Ang anunsyong ito ay kasunod ng malakas na performance ng Pag-IBIG Fund sa unang bahagi ng 2025, kung saan nakapaglabas sila ng Php 30.22 bilyon na halaga ng home loans na nakinabang ang mahigit 20,000 miyembro sa buong bansa.
Umabot na rin sa higit Php 1.1 trilyon ang kabuuang assets ng ahensya hanggang nitong Marso 31, 2025.