Nakibahagi ang mga SK members at kabataang Malabueño sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial na ginanap sa Penthouse, Malabon City Hall sa pangunguna ng Malabon City Health Department – Health Promotion Unit
Humigit-kumulang 45 kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nakiisa sa programa bilang pagpapakita ng suporta sa pagsusulong ng kamalayan, pag-unawa, at malasakit para sa mga apektado ng HIV/AIDS. JOJO RABULAN