Home NATIONWIDE Iran embassy sa Syria binomba ng Israel; ilang kumander tigok!

Iran embassy sa Syria binomba ng Israel; ilang kumander tigok!

DAMASCUS, Syria – Binomba ng pinaghihinalaang mga eroplanong pandigma ng Israel ang embahada ng Iran sa Syria noong Lunes, kung saan nasawi ang pitong military advisers kabilang ang tatlong matataas na kumander.

Parehong nakita sa pinangyarihan ang Syrian foreign minister at interior minister.

“We strongly condemn this atrocious terrorist attack that targeted the Iranian consulate building in Damascus and killed a number of innocents,” ani Syria’s Foreign Minister Faisal Mekdad.

Matagal nang tinatarget ng Israel ang mga instalasyong militar ng matalik nitong karibal na Iran at ng mga proxy nito sa Syria, at pinalakas ang mga pag-atake na iyon kasabay ng kampanya nito laban sa Palestinian group na Hamas na suportado ng Iran sa Gaza Strip.

Ang pag-atake noong Lunes ay ang unang beses na tinamaan ng Israel ang malawak na compound mismo ng embahada.

Karaniwang hindi tinatalakay ng Israel ang mga pag-atake ng mga pwersa nito sa Syria.

Kinumpirma ng embahador ng Iran sa Syria, na si Hossein Akbari sa Iranian state TV na lima hanggang pitong tao, kabilang ang ilang mga diplomat, ang sinabing nakatakdang rumesbak nang mas malupit ang Tehran.

Sinabi ng Revolutionary Guards Corps ng Iran sa isang pahayag na pitong military adviser ang namatay sa pag-atake kabilang si Mohammad Reza Zahedi, isang senior commander sa elite Quds Force ng Iran, isang overseas arm ng corps.

Sinabi ng Iranian state media na naniniwala ang Tehran na si Zahedi ang target ng pag-atake. Napatay din ang kanyang deputy at isa pang senior commander kasama ang apat na iba pa.

Iniulat ng Arabic Language Al Alam Television ng Iran na si Zahedi ay isang military adviser sa Syria na nagsilbi bilang pinuno ng Quds Force sa Lebanon at Syria hanggang 2016. RNT