Home HOME BANNER STORY Iran gumanti sa pag-atake ng Israel!

Iran gumanti sa pag-atake ng Israel!

TEL AVIV/DUBAI/WASHINGTON- Naglunsad ang Iran ng retaliatory airstrikes sa Israel nitong Biyernes ng gabi, kung saan narinig ang mga pagsabog sa Jerusalem at Tel Aviv, ang dalawang pinakamalaking lungsod ng bansa, kasunod ng pinakamalaking military strike ng Israel laban sa matagal na nitong kalaban.

Narinig ang air raid sirens sa Israel sa paghimok ng mga awtoridad sa publiko na magtago. Namataan din ang mga missile sa kalangitan ng Tel Aviv, kung saan sinabi ng militar na nagpasabog ang Iran ng dalawang salvos.

Batay sa Israel military, naglunsad ang Iran ng hindi aabot sa 100 missiles at karamihan ay naharang at kinapos. Tumulong naman ang US military sa pagpigil sa Iranian missiles patungong Israel, base sa dalawang US officials.

Ayon sa Channel 12 ng Israel, dalawang indibidwal ang lubhang sugatan, walo ang bahagya, at 34 ang nagalusan.

Tinamaan din ang ilang gusali sa pag-atake kabilang ang apartment block sa isang residential neighborhood sa Ramat Gan malapit sa Tel Aviv. Sapul ang isa pang gusali sa central Tel Aviv, nagdulot ng pinsala.

Pinangangambahang ang Israeli strikes sa Iran at pagganti ng Iran ay nangangahulugan ng mas malawak na kaguluhan.

Sinabi ng Iran’s state news agency IRNA na naglunsad ang Tehran ng daan-daang ballistic missiles sa Israel matapos atakihin ng Israel ang Natanz underground nuclear site ng Iran at paslangin ang top military commanders nito. Iginiit ng Iran na ang nuclear programme nito ay para lamang sa “peaceful purposes.”

Inakusahan ng Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei ang Israel ng pagsisimula ng giyera. Inihayag naman ng senior Iranian official na magiging masakit umano ang paghihiganti sa Israel.

Ayon kay Iran’s UN envoy Amir Saeid Iravani, 78 indibidwal, kabilang ang senior military officials, ang napaslang sa pag-atake ng Israel sa Iran at mahigit 320 indibidwal ang sugatan, karamihan ay mga sibilyan. RNT/SA