Home TOP STORIES Iran nagsumite ng bagong peace proposal sa US

Iran nagsumite ng bagong peace proposal sa US

77
0

ISLAMABAD, Pakistan – Nagpadala ang Iran ng bagong panukala para sa peace talks sa United States sa pamamagitan ng mediator na Pakistan, ayon sa state media noong Biyernes, habang nananatiling nakahinto ang negosasyon ng dalawang panig.

Ayon sa IRNA news agency, ang text ng proposal ay ibinigay sa Islamabad noong Huwebes ng gabi.

Ang digmaan na inilunsad ng US at Israel sa pamamagitan ng malawakang sorpresang pag-atake noong Pebrero 28 ay nasa ceasefire mula Abril 8, ngunit isang bigong round pa lamang ng direktang usapan ang nagaganap sa pagitan ng Iran at US.

Sa gitna nito, nananatiling kontrolado ng Iran ang Strait of Hormuz, na nakaapekto sa suplay ng langis, gas, at pataba sa pandaigdigang ekonomiya. Bilang tugon, nagpatupad naman ang US ng counterblockade sa mga Iranian port.

Ayon sa Wall Street Journal, iniutos ni US President Donald Trump sa mga security officials na maghanda para sa posibleng buwanang blockade, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

Bagama’t walang kasunduan, nananatili ang ceasefire. Ayon kay judiciary chief Gholamhossein Mohseni Ejei, “the Islamic Republic has never shied away from negotiations,” ngunit idinagdag din niya na “we certainly do not accept imposition” at “we do not welcome war in any way; we do not want war, we do not want its continuation.”

Nanatiling mataas ang presyo ng langis, higit 50% na mas mataas kumpara bago ang digmaan, habang tumataas din ang inflation at nagiging alalahanin ang global economy.

Sa US, may debate kung lumampas na ba si President Trump sa deadline para humingi ng congressional approval sa war powers. Ayon sa opisyal ng administrasyon, “For War Powers Resolution purposes, the hostilities that began on Saturday, February 28 have terminated.”

Samantala, nahaharap si Trump sa domestic pressure dahil sa inflation na umabot sa 3.5% at paparating na midterm elections.

Sa Iran naman, tumitindi ang epekto ng digmaan at sanctions, kung saan umabot sa 53.7% ang inflation. Ayon sa isang residente, “For many people, paying rent and even buying food has become difficult, and some have nothing left at all.”

Patuloy ding pinagtatalunan ng mga bansa ang seguridad sa Strait of Hormuz, habang parehong US at France-Britain ay bumubuo ng mga international efforts para sa muling pagbubukas ng shipping routes kapag naibalik ang kapayapaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here