Home NATIONWIDE IRR sa pagbuo ng organisasyon ng gov’t employees, nilagdaan na

IRR sa pagbuo ng organisasyon ng gov’t employees, nilagdaan na

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ng nga ahensya ng pamahalaan ang implementing rules and regulations sa pagtatatag ng mga government employees ng sariling organisasyon.

Pinangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang launching at ceremonial signing ng 2024 Rules and Regulations of Executive Order (EO) 180 kasama ang Civil Service Commission (CSC), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ng DOJ na nilalaman ng IRR ang mas malinaw na qualifications at criteria para sa personnel eligibility para makasali sa mga employee organization, paggamit ng electronic filing ng pleadings/documents at online platforms, pinagsama-samang mga bagong council policies, employee elections at iba pang mahalagang guidelines.

Kinikilala na rin sa bagong IRR ang national employees organizations, isang koalisyon ng mga registered employee organizations sa loob ng isang ahensya.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni CSC chairperson Karlo Nograles na ang promulgation ng 2024 rules ay isang patunay sa nais ng CSC na matiyak na napapatupad ang right of self organization sa public sector.

Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang kakayanan ng mga empleyado na bumuo ng isang grupo o organisasyon ay mahalaga para sa pagkakaroon ng isang matibay na pamahalaan.

Ang nilagdaan na IRR aniya ay isang pangako na pangangalagaan ng pamahalaan ang karapatan ng mga taong nagsisilbi aa bansa bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa nation building. Teresa Tavares