Home METRO Isa pang sundalo utas sa bakbakan vs Dawlah

Isa pang sundalo utas sa bakbakan vs Dawlah

168
0

COTABATO CITY — Isa pang sundalo ang kinumpirmang namatay sa engkwentro laban sa mga teroristang Dawlah Islamiya sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur, ayon sa Army.

Kinilala ni Lt. Col. Ronald Suscano, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ang biktima bilang si Corporal Junie Mangalay mula Tupi, South Cotabato.

Tinamaan si Mangalay ng bala ng kalaban at nahulog sa isang ilog habang hinahabol ng mga tropa ang hindi matukoy na bilang ng mga terorista noong Martes ng umaga.

Narekober ang kanyang katawan noong Huwebes matapos ang halos dalawang araw ng paghahanap, na pinalala ng patuloy na presensya ng kalaban sa lugar.

Nauna nang kinumpirma ng militar ang pagkamatay ni Corporal Ryan Jun Bagual ng President Quirino, Sultan Kudarat, sa parehong engkwentro.

Sugatan naman si Private First Class Arvin Jake Janiel mula Libungan, Cotabato, at kasalukuyang ginagamot.

Nagsimula ang engkwentro nang magsagawa ng operasyon ang 90th Infantry Battalion laban sa Hassan faction ng Daulah Islamiya kasunod ng intelligence report tungkol sa presensya ng mga terorista sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here