Home NATIONWIDE Isa patay, 8 pasahero nailigtas sa tumaob na bangka

Isa patay, 8 pasahero nailigtas sa tumaob na bangka

2
0

MANILA, Philippines – Isa ang iniulat na nasawi habang walo pa ang nailigtas matapos tumaob ang sinasakyang bangka habang bumibyahe mula Pinagpala Port sa Semirara Island sa Caluya, Antique patungong Caminawit Port sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, umalis ang MB San Austin IV sa Semirara island 1;30 ng hapon noong Sabado at inaasahan sanang dumating sa Caminawit Port alas-5 ng hapon.

Dahil hindi nakarating sa nakatakdang oras, sinubukan ng may-ari ng bangka na kontakin ang boat captain ngunit walang tugon.

Bunsod nito, agad siyang humingi ng tulong sa Coast Guard Sub-Station sa San Jose na agad namang nagsagawa ng search and rescue operation.

Bandang 6:30 ng umaga ng Linggo nang matagpuan ng Coast Guard personnel ang bangka na nakataob malapit sa Liwagao island sa Caluya, Antique kung saan nagpalutang-lutang ang nakakapit na mga pasahero.

Gayaunman, isang baabeng pasahero na misis ng isa sa crew member ang namatay sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi umano ng boat captain na sinalubong sila ng malakas na alon at hanging na nagresulta ng pagtaob ng bangka. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here