Home METRO 1 todas, 1 sugatan sa barilan sa Bulacan

1 todas, 1 sugatan sa barilan sa Bulacan

366
0

Bulacan – Patay ang isang motorcycle rider nang makipagbarilan sa riding-in trio tandem sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Setyembre 12.

Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 5:40 ng umaga sa Brgy. Graceville.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas Marvin, 35, binata, residente ng Brgy. Gaya gaya.

Base sa CCTV footages na nagviral sa social media, kita ang biktima na nakahandusay sa kalsada katabi ang nakatumbang motorsiklo na nagawa pa niyang magpaputok ng baril.

Katabi rin niya ang isa pang nakatumbang motorsiklo na may isang lalaking tila sugatan sa nangyaring barilan.

Ilang saglit pa ay may lumapit na lalaki sa nanghihinang biktima na si alyas Marvin at walang habas na binaril ito sa ulo sabay kuha sa kanyang baril.

Sapul din sa CCTV ang isa pang lalaking lumapit sa lugar para tulungang isakay ang lalaking sugatan sa itinayong motorsiklo ng gunman na mabilis na tumakas sa direksyon ng Gov. F. Halili road.

Sa manhunt at follow up operation ng pulisya, bandang 7:00 ng umaga, Setyembre 13, naaresto ang isang alyas Prince na umanoy tumayong spotter o nagnguso at alyas Joeli na tumulong makasakay sa getaway motorcycle ang sugatang suspek na minaneho ng gunman.

Siinasabing narekober kay Prince ang caliber .45 Colt, magazine na may tatlong bala at nasamsam din ang caliber 45, magazine na may limang bala at tatlong cellphone kay alyas Joeli

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para mahuli ang mga nakatakas na suspek. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here