Home HOME BANNER STORY Isang presidente sa pamilya, sapat na – Ex-PRRD

Isang presidente sa pamilya, sapat na – Ex-PRRD

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes, Setyembre 20 na dapat ay bigyan ng pagkakataon ang iba na mamuno sa bansa.

“Tama na yung isang presidente sa isang pamilya,” ani Duterte kasabay ng national assembly ng Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Davao City.

Tatlong pamilya ang nakapag-produce ng anim sa 17 presidente ng bansa, ito ay sina Diosdado Macapagal at anak na si Gloria Macapagal Arroyo; Ferdinand Marcos Sr. at anak na si Ferdinand Marcos Jr.; at Corazon Aquino at anak na si Benigno Simeon Aquino III.

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng tanong ng posibilidad na pagtakbo sa pagka-pangulo ng anak na si Vice President Sara Duterte sa 2028.

“Give it also to others,” ani Duterte.

“Alam ko namang malakas dahil naging presidente ako… and I have yung pamilya ko. Kung sabihan mo lang na partikular na personality, example my (daughter) huwag na muna siguro. Let us give it to another,” dagdag pa niya.

Sa non-commissioned survey ng Oculum Research and Analytics, nanguna si Sara Duterte sa listahan ng
preferred presidential candidates sa 2028 elections sa ikalawang bahagi ng 2024.

Sa kabila nito ay bumagsak ang suporta sa 25.4% mula sa 42% na nakuha niya sa unang quarter ng survey. RNT/JGC