Home ENTERTAINMENT Sharon, magsusulat ng sariling libro!

Sharon, magsusulat ng sariling libro!

Manila, Philippines- Ayon nga sa isang artikulong nalathala noon, hindi raw magiging isang ganap ang buhay ng isang tao kung hindi siya magsusulat ng kanyang sariling libro.

At kung totoo nga ito, nakahanap ng isang firm believer ang sumulat ng artikulong ‘yon kay Sharon Cuneta.

Nakatakda na raw kasing gumawa ng kanyang sariling aklat ang singer-actress.

Ito ang kanyang ipinost sa Instagram.

“I think I’m ready to write a book,” pagma-manifest ng Megastar.

“Just need to collect my thoughts and slowly but surely will begin!” dagdag niya.

‘Yun nga lang, humingi siya ng dispensa mula sa kanyang mga tagasubaybay.

Hindi raw kasi maaagad ni Sharon ang pagsusulat nito dahil abala pa siya sa kanyang taping.

Pero hindi pa man, her post was met with favorable reactions.

“You got this, shweethert!” reply ni Martin Nievera.

Ryan Agoncillo reacted: “You got this!”

Siyempre, nangunguna rin ang mga Sharonians who are looking forward to reading her book.

Sey ng isa: “Yay! It’s about time!”

Still another fan commented: “Kahit gaano pa kakapal ang librong ‘yan, babasahin ko up to the last page!”

Kung matutuloy–at kung hindi kami nagkakamali–this is going to be the first time na may mababasa tayong autobiography ng isang sikat na local celebrity.

Pero alin kaya ang mauuna–ang talambuhay ni Sharon o ang matagal nang nakaplanong five-part book ni Nora Aunor pero si direk Adolf Alix ang nagsulat? Ronnie Carrasco III