Home NATIONWIDE Iskedyul ng F2F oath ng midwives, inanunsyo ng PRC

Iskedyul ng F2F oath ng midwives, inanunsyo ng PRC

MANILA, Philippines- Inilabas na ngayong araw, June 1, ng Philippine Regulation Commission (PRC) ang venue at schedule para sa face-to-face oathtaking ceremony para sa bagong midwives.

Sa kanilang opisyal na Facebook page ang nga sumusunod na mga iskedyul ay sa June 2, sa Davao City; June 3, sa Baguio City at Iloilo City; at June 5, sa Tuguegarao City.

Ang matagumpay na examiners na interesadong dumalo sa face-to-face mass oathtaking ceremony ay kailangang magparehistro bago magtanghali ng araw ng oathtaking sa http://online.prc.gov.ph para sa kumpirmasyon ng pagdalo.

Kailangan ding magsuot ng Gala o White Uniform at magsumite ng printed Oath Form na may generated QR (Quick Respond) code upang makumpirma ang pagdalo.

Ipatutupad naman ang safety at health precautions sa face-to-face ceremony tulad ng napagplanuhan.

Ang attendees ay kailangang magdala ng vaccination card o negative RT-PCR results na isinagawa sa loob ng 48 oras bago ang aktibidad.

Bukod dito, pinayuhan ng PRC ang inductees na magparehistro at kumpirmahin ang kanilang pagdalo sa mga rehiyon kung saan sila kumuha ng licensure examination.

Ang mga hindi sasali sa face-to-face oathtaking ceremony ay maaaring dumalo online at humiling ng espesyal na oathtaking pagkatapos ng lahat ng nakatakdang face-to-face oathtaking sa lahat ng rehiyon.

Panghuli, pagkatapos ng oathtaking ceremony, ang mga inductees ay maaaring magpatuloy sa kanilang Registration sa pamamagitan ng pagreserba ng appointment sa http://online.prc.gov.ph. Jocelyn Tabangcura-Domenden