Home HOME BANNER STORY Isko: Pasok sa Maynila sa Nob. 17-18, suspendido sa INC rally

Isko: Pasok sa Maynila sa Nob. 17-18, suspendido sa INC rally

372
0

MANILA, Philippines – Upang bigyang daan ang isasagawang mapayapang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Nobyembre 17 at 18, sinuspinde ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa lungsod.

Batay sa kautusan ni Yorme Isko, lahat ng paaralan sa Maynila ay inaabisuhang mag-shift sa Alternative Delivery Mode (ADM) sa dalawang araw ng suspensiyon ng klase.

Sinabi ng alkalde na magkakaloob din ang pamahalaang lungsod ng “perimeter support,” kabilang ang traffic, parking, police, at medical assistance sa buong panahon ng rally, upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa kapaligiran ng Luneta.

“While we know that the INC is very organized whenever it holds a rally, the City Government of Manila will deploy teams to monitor and provide assistance outside Rizal Park,” ayon sa alkalde.

Dagdag pa niya, magtatalaga sila ng 14 na ambulansiya sa mga pangunahing lugar sa paligid ng Rizal Park para sa agarang pangangailangan.

Kahit batid ng alkalde na ang INC ay hindi umaalis sa lugar nang hindi nililinis ito, pinakilos pa rin niya ang Department of Public Services (DPS) upang mapanatili ang kalinisan, lalo na sa lugar na inaasahang dadagsain ng mga ambulant vendors.

Bukod sa pagtatalaga ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), inatasan din niya ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magtalaga ng mga traffic enforcers na mangangasiwa sa daloy ng trapiko sa paligid ng Rizal Park. (Jay Reyes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here