Home NATIONWIDE Ismagel na spiderlings nasabat ng BOC

Ismagel na spiderlings nasabat ng BOC

MANILA, Philippines – NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang nasa 178 spiderlings na nakatago sa isang air parcel na idineklara bilang “Hairclips” na nagmula sa Indonesia.

Ayon sa BOC, sa isinagawang pisikal na pagsusuri, ang subject na air parcel ay natagpuang naglalaman ng 157 vials ng mga live spider, habang 21 ang may hawak na mga specimens na namatay. Ang subject parcel na patungo sa Valenzuela City, ay pinigil para sa physical examination dahil sa kahina-hinalang deklarasyon ng consignee.

Nabatid sa BOC na ang tangkang pagpuslit ng mga live na spiderling ay lumalabag sa Sections 117 at 113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Agad na itinurn-over sa Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENR) ang mga nasamsam na gagamba. Jay Reyes