Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

ITCZ, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines- Magdudulot ng kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao habang makaaapekto naman ang easterlies sa Eastern Visayas ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region na sasabayan ng pag-ulan dahil sa ITCZ at easterlies.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms. 

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Makararanas naman ang Mindanao ng light to moderate wind speed patungong south to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:31 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:30 ng hapon. RNT/SA