Home NATIONWIDE Bagong COVID cases bumulusok sa 2,747 mula June 26 ‘gang July 2

Bagong COVID cases bumulusok sa 2,747 mula June 26 ‘gang July 2

MANILA, Philippines- Bumaba ng 20 porsyento sa 2,747 ang bagong COVID-19 cases na naitala mula June 26 hanggang July 2 kumpara noong nakaraang linggo, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Batay sa pinakabagong bulletin ng DOH, ang naitalang kaso mula June 26 hanggang July 2 ay mas mababa kumpara sa 3,442 kaso mula June 19 hanggang June 25.

Ito ang ika-anim na sunod na linggo ng pagbaba ng lingguhan COVID-19 cases at ikatlong sunod na linggo ng mas mababa sa 5,000 kaso, ayon sa ulat.

Pinakamababa rin ang bilang ng bagong kaso mula June 26 hanggang July 2 sa loob ng 11 linggo.

Bumaba rin ang daily case average sa 392 kumpara noong June 19 hanggang June 25 na 492.

Sumadsad naman ang seven-day testing positivity rate sa National Capital Region mula 6% noong June 24 sa 4.9% nitong July 1, batay sa OCTA Research.

Subalit, mayroong dalawang karagdagang kumpirmadong COVID-19-related deaths na huli nang naiulat nitong June 2023.

Mayroon ding 32 karagdagang severe and critical cases registered in the covered period.

Samantala, sinabi ng DOH na nakapag-ulat ng 307 bagong COVID-19 infections sa bansa nitong Lunes, habang bumaba ang active cases sa 6,846 — pinakamababang bilang ng active COVID-19 cases mula April 30, 2023.

Ang total nationwide caseload ay pumalo na sa 4,165,869 habang ang bilang ng mga nakarekober ay umakyat ng 449 sa 4,092,539. Ang death toll ay nananatili sa 66,484.

Naiulat naman ang pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na 14 araw sa Metro Manila sa 1,343. Sinundan ito ng Central Luzon sa 919; Calabarzon sa 778; Western Visayas sa 479; at Cagayan Valley sa 433.

May 3,664 indibidwal naman ang sinuri noong Linggo habang 267 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang resulta.

Low risk pa rin ang COVID-19 bed occupancy sa bansa sa 16%.

Samantala, iniulat ng DOH na 78.4 milyong Pilipino na ang Filipinos fully vaccinated laban sa COVID-19 hanggang nitong March 19. Katumbas ito ng 100.4% ng target population ng pamahalaan. RNT/SA

Previous articleITCZ, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Next articlePasado sa pre-evaluation ng gun ban exemption application, kaunti pa lang – Comelec