Home HOME BANNER STORY ITCZ, magpapaulan sa Palawan, VisMin

ITCZ, magpapaulan sa Palawan, VisMin

3
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Visayas, Mindanao at Palawan ngayong Miyerkules, Oktubre 7, ayon sa PAGASA.

Nagbabala ang weather bureau na posibleng magkaroon ng flash floods at landslides sa mga lugar na madaling bahain o gumuho dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Dahil naman sa northeasterly wind flow, inaasahan ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa Batanes at Cagayan, na maaari ring makaranas ng flash floods at landslides.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan sa hilaga at silangang bahagi ng Northern Luzon. Aabot sa 2.5 hanggang 4 metro ang taas ng mga alon.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin at bahagya hanggang katamtaman ang alon. Aabot sa 0.6 hanggang 1.8 metro ang alon sa Visayas at Mindanao, habang 0.6 hanggang 2.5 metro naman sa nalalabing bahagi ng Luzon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here