MANILA, Philippines – Ni-reschedule ng Supreme Court ang mga nakahanay na oral argument sa mga sumusunod na usapin.
Sa SC EN Banc resolution, pinaaga ng mga mahistrado ang oral argument sa usapin ng Philhealth funds. Mula sa orihinal na petsa na April 29, 2025, itinakda na ito sa April 2, April 3, at kung kinakailangan ay sa April 4, 2025.
G.R. Nos. 274778 (Pimentel, et al. v. House of Representatives, et al.), 275405 (Colmenares, et al. v. Executive Secretary Bersamin, et al.), and 276233 (1SAMBAYAN Coalition, et al. v. House of Representatives et al.) Mula April 29, 2025, magiging April 2, April 3, at, kung kinakailangan, April 4, 2025
Kinukwestiyon nina Senador Koko Pimentel, Neri Colmenares at 1SAMBAYAN Coalition ang pagbabalik ng sobra na reserbang pondo ng Philhealth at mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan patungo sa national treasury upang pondohan ang mga unprogrammed appropriation.
Samantala, itinakda naman sa May 19,2025 sa halip na April 1,2025 ang oral argument sa usapin ng 2025 National Budget.
Kinukwestiyon ng mga petitioner ang constitutionality ng Republic Act No. 12116 o ang General Appropriations Act of Fiscal Year 2025 (GAA).
Ang oral argument naman kaugnay sa Mahsrlika Funds ay idaraos sa July 8 at July 9, 2025 mula sa dating April 22, 2025.
Magugunita na kinukwestiyon ng mga petitioner ang bisa ng Republic Act No. 11954, o ang Maharlika Investment Fund Act of 2023. Teresa Tavares