MANILA, Philippines – Suportado ng aktres/vlogger na si Ivana Alawi ang sektor ng agrikultura dahil sa layunin na makatulong sa mga mahihirap.
Sa isang kaganapan, sinabi ng aktres na noong nakaraang halalan ay wala siyang sinuportahan na Partylist dahil ito ay kaniyang pinag-aralang mabuti.
Naramdaman aniya sa pagkakataon ito ang layunin ng sektor ng agrikultura partikular ang mga magsasaka, mangingisda, magbababoy at magmamanok, at naniniwala sa ipinaglalaban ng sektor kaya naging kumpiyansa ito sa AGAP Partylist sa pangunguna ni Rep. Nicanor Briones.
“Sa ngayon, sinasabi ko ngayon ay very, very confident ako sa AGAP partylist, hindi naman ako pumapasok sa isang partylist na hindi ko pinag-aralan”, pahayag ng aktres.
Ayon pa kay Alawi, hindi siya tumitingin sa pera para lamang suportahan ang isang Partylist kundi nararamdaman niya ang pangangailangan at paghihirap ng mga nasa sektor ng agrikultura dahil maging siya man ay lumalabas at namimili sa palengke ng personal.
“Excited po ako na pumunta sa mga lugar ninyo dahil mas gusto ko na makita kayo –maramdaman ko po kayo. Excited ako na malaman ang kwento ng mga magsasaka,mangingisda, magbababoy ay poultry”, pahayag pa ni Alawi sa isang kaganapan na inorganisa ng AGAP Partylist at mga stakeholders ng agricultural sector para personal na kilalanin ang kanyang sinusuportahan.
Nagpasalamat naman si Rep. Briones sa pahayag ng aktres na gusto niyang tulungan at suportahan ang nasabing sektor.
Umaasa naman ang AGAP na sa pamamagitan ng pagsuporta ng aktres ay makukuha nila ang tatlong pwesto upang maipakita ng mga magsasaka at kooperatiba, at 30 milyong Filipino na nasa sektoral..
Sa pamamagitan ni Ivana ay umaasa rin na maiparating nila na kailangan magkaisa at ipaglaban ang sektor ng agrikultura at kooperatiba. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)