Manila, Philippines – Wow, malaki ang kinikita ni Ivana Alawi sa kanyang social media platforms like her Youtube channel, IG, at Facebook. Idagdag pa rito ang mga income ng famous sexy vlogger sa mga proyekto niya sa TV at movie plus her endorsements, hindi imposible na humahabol na siya sa pagiging bilyonarya nina Sharon Cuneta, Bea Alonzo, Marian Rivera, etc.
Sa collab nga ni Small Laude kay Ivana ay tumawa lang ito sa tanong ng una kung ilang daang milyones na ba meron ang sexy actress. Say pa ng kakilala ko sa isang advertising agency ay nasa 10 to 20 million pesos daw ang bayad kay Ivana sa bawat endorsement nito ng produkto, pagkain, at online sugal.
May mga alok din na corporate show at out-of-town shows kay Ivana na limitado lang dahil pinipili lang niya ang kanyang tatanggapin.
As of presstime ay meron nang 20.3 million (and still counting) subscribers si Ivana sa kanyang official Youtube Channel. Peter Lesesma