Home NATIONWIDE Comelec chair, iba pang commissioner ipinapa-disbar sa SC

Comelec chair, iba pang commissioner ipinapa-disbar sa SC

182
0

MANILA, Philippines – Pinadidisbar ng natalong kandidato sa pagka-alkalde sa Pangasinan si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia at limang iba pang komisyoner sa Korte Suprema dahil sa umano’y “gross ignorance of the law” kaugnay ng pagkaka-dismiss ng kanyang kaso na may kinalaman sa nagdaang halalan.

Bukod sa disbarment case na inihain ni Jaime Gutierrez Aquino, nanawagan din siya na magbitiw sa posisyon si Garcia.

Nag-ugat ang reklamo ni Aquino matapos ibinasura ng Comelec ang kanyang reklamo laban sa nanalong Mayor na si Karl Kristian Vega.

Si Vega ay inakusahan ng vote buying, vote selling at disqualification.

Ngunit dahil sa hindi pagbabayad ng P10,000 filing fee at P600 legal Research fee ay ibinasura ang kanyang reklamo.

Ayon kay Aquino, hindi siya kailanman naabisuhan tungkol sa mga bayarin bago ang dismissal, na aniya ay paglabag sa due process.

Aniya, ang pagbasura ng reklamo ay napagdesisyunan ng Comelec en banc noong Pebrero 10.

Iginiit din niya na kaya niyang bayaran ang mga bayarin kung siya ay naabisuhan nang maaga, at tinawag niyang “mali” ang dismissal.

Dagdag pa niya, ang paraan ng paghawak sa kaso ay nagpapakita ng kakulangan sa transparency at pagiging patas sa proseso ng Comelec.

Kasama sa pinapa-disbar ni Aquino sina Commissioners Aimed Ferolino Rey Bulay Maria Norina-Tangaro-Casingal Ernesto Ferdinand Maceda Jr at Nelson Celis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here